Friday, December 29, 2006
Friday, February 11, 2005
Patawa muna...;o)
I thought im sad until i saw a man without both arms shaking his
shoulders happily. I asked why he's happy. He replied "Hindi ako hapi! Makati ang aking itlog hindi ko makamot!
A couple fighting:
HUSBAND: Animal ka!
WIFE: Hayop ka!
HUSBAND: Satanas!
WIFE: Demonyo ka!
HUSBAND: Peste ka!
WIFE: Bwisit ka!
HUSBAND: Punyeta ka!
WIFE: Luko-luko ka!
HUSBAND: Leche ka!
WIFE: Supot!
HUSBAND: Ah, walang totohanan.

Wednesday, February 09, 2005
Ako at ang komiks na tagalog.
Bata pa ako mahilig na talaga akong magbasa ng comics. Sa una'y mga drawings lang ang binabasa ko. Tapos natutunan ko naring basahin ang mga dailogs at captions. Noong una pa nga ay sinasaway ako ng katabi kong nagbabasa rin,"Hoy! Hinaan mong boses mo bata! Di ka ba marunong bumasa na mata lang ang ginagamit?"
Simula noon pinilit kong magbasa ng walang ingay at mata lang ang ginagamit. Pero hindi ko maiwasan ang pagbuka-buka ng bibig ko para mapantig ang mga salita sa komiks. Di ko kasi maintindihan ang binabasa ko kung di ko gagawin yun.
Tandang-tanda ko pa. Sinusugod ako ng Inay sa tindahan ni Nanay Tunang na may daladalang patpat na pamalo. Basta marinig ko ang sigaw nya sa pangalan ko...mistula iyong batingaw ng kampana para mapa-igtad ako sa bangkong upuan sabay soli ng komiks kay Nanay Tunang.
"Balikan ko po mamaya yung sukli kong singkuwenta!"At walang lingon-likod akong kumaripas ng takbo patungo sa bahay namin at doon na ako naabutan ng Inay.
Sa bahay na niya ako pinagpapalo ng patpat na kawayan, habang sinasabing,"Wala ka na talagang ginawang magaling! Pagkakagaling mo sa eskwela deretso ka agad sa pagbabasa ng komiks sa halip na tumulong ka dito sa bahay! Napakatamad mo! Anong mapapala mo sa pagbabasa ng lintek na komiks! Pagnaipakain ko sa iyo ang mga komiks na yan makikita mo."
Pero hindi ako napatigil ng masasakit na palo at mga mura ni Inay sa pagbabasa ng komiks. Sa halip ay tila lalo akong nalulong sa pagbabasa nito. Halos araw-araw basta may pagkakataon ay naroon ako sa komiksan at nagbabasa ng arkiladong komiks sa halagang bente-singko sentimos. Talagang tinitipid ko ang aking perang baon sa eskwelahan para may maibayad sa arkila. Ewan ko ba, tila kulang ang araw ko kung di ako nakakabasa ng komiks.
Hanggang nagsawa na lang ang Inay sa pamamalo sa akin.
Masarap kasing magbasa ng komiks. Sa pagbabasa nito'y natatakasan mo ang mga hirap ng buhay, nakakalimutan mo ang mga problema. Isang paklalakbay sa bagong mundo ng pantasya at ilusyon ng realidad...may lungkot at saya sa drama. May hatid na tuwa ang komedya, sindak at kaba ang kuwento ng lagim at karahasan. At sadyang kiliti at sarap ang dulot ng sensasyon na nagpapalikot sa isipan kung temang seks. Kaya naman pinakamababa na siguro sa limang komiks ang nababasa ko sa isang upuan.
May malaking impluwensya rin sa aking paglaki ang pagbabasa ko ng komiks. Dito ko nasumpungan ang mga taong o katauhang nagpabago sa aking mga pananaw sa buhay. Mga situwasyon at pangyayaring pumukaw sa aking kuryosidad.
Lahat na halos ng tagalog komiks noon ay nabasa ko na. Tagalog Klasiks, Aliwan, Pinoy komiks, Happy, Espesyal, Hiwaga, Darna, Lovelife, Horoscope, TSS, Wakasan, atbp. Paborito ko ang mga tuluyan na nobela gaya ng Zuma, Darna, Captain Barbel, Panday, mga nobela ni Mars Ravelo, Jim Fernandez, Carlo Caparas, Gilda Olvidado, pati narin ang maiikling kwento nila. Gusto ko rin ang mga kuwento ng baguhan pa noon na si KC Cordero. Nakalimutan ko na ang pangalan ng ibang mga magagaling din na manunulat sa komiks.
Sa mga dibuhista sa komiks, gusto ko ang mga guhit nina Mar T. Santana, Clem Rivera, Vincent Kua, Louie Celerio at Nestor Malgapo.
Magtatapos na ako ng high school nang ma-appreciate ko alamin ang mga kwentista at dibuhista ng mga kuwentong komiks na binabasa ko. Naging impluwensya sila at inspirasyon sa akin sa pangarap kong maging isa ring dibuhista at manunulat sa komiks noon. May talent din ako sa pagguhit. Ang totoo n'yan naging sideline ko noon ang portrait Illustration gamit ang charcoal medium.Mga pinsan at kaibigan ko ang siyang nagpapa-portrait sa akin. At nag-aral din ako nang Comics Illustration kasabay sa ang Engineering Course. Home study naman kasi ang comics illustration course na kinuha ko kaya naisabay ko ito sa aking pagkokolehiyo. Si Nestor Malgapo ang naging instructor sa comics llustration.
Natigil lang ang pagbabasa ko ng komiks ng magkatrabaho na ako sa isang Construction firm bilang helper. Pero hanggang ngayon, isa na akong Supervisor sa isa paring construction firm ay nanatiling narito sa puso ko ang pangarap kong maging isang comics illustrator and writer...pero hindi ko pa alam kong kelan. Sana...
ITUTULOY!

Eto na naman....ako
Di ko na naman alam kung paano ako mag-uumpisa sa tuwing susubukan kong sumulat dito. Ilang araw na bang nabakante ang "blog" na ito. Gusto ko pa sanang ipagmalaki sa mga kaibigan ko. aaahh!...hirap kasing kumuha ng tamang mood. Lagi na lang busy, kasi kahit di naman importante yun pa ang inuuna. kung alin yung importante di naman agad gawin. Tapos magka-craming pag oras na. Hay! Procrastination, maƱana habit... Kelan ko kaya ito mapaglalabanan.
Madami pa naman akong gustong ma-accomplished. Sa buhay ko, sa trabaho. Yung mga pangarap ko sa buhay na gusto kong matupad na. Sana matupad lahat ng dreams ko no?
Khong hei fat choi!!!

Tuesday, February 01, 2005
Ako...kasama kayo!
Ako...si Bitoy sa aking panahon...
Samahan nyo ako sa aking paglalakbay patungo sa aking mga pangarap dala ang mga larawang iginuhit ng kahapon. Halina...halika...!

Subscribe to:
Posts (Atom)